Kanya-kanyang hirit ang mga followers ng premyadong aktres at MMK host na si Charo Santos nang i-channel niya ang kanyang kontrabidang mama era sa kanyang latest post.
Sa kanyang video, umakma si Charo na isang mayamang donya na minamaliit ang jowa ng kanyang anak dahil slapsoil ito. Kung sa pelikula at serye at matinding pagtanggi ang ginagawa ng mga bidang babae sa offer na milyon para layuan ang ML (male lead), sa tunay na buhay, mas marami ang praktikal.
Mukhang ang mayayamang tita ang mapapatras sa mga ito.
“Tita, i can handle your SON…. anak ako ng Contractor 🤣🤣”
“Ang galing 🤩👏 nanliit at kinabahan ako, wala naman akong bf 😂”
“Kunin ko na agad envelope 😂😂😂 break na kami ng anak nyo😂😂😂”
“tumatanggap po ako isang milyon”
“Tagal ng 10M Tita. Ready na po QR code ko 😂”
“Looking for a boyfriend with a rich mother who’ll pay me 1 million to leave his son. 😂😂”