Kung napa-wow kayo sa ganda ng esplanade na nasa likod ng Manila Central Post Office sa Maynila, may bonggang pasabog pa ang Pasig River Council.
Ihinayag ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development (IAC-PRUD) na mayroon pang walong esplanade ang idadagdag sa ibang pang bahagi ng Pasig River.
“It is more than just a beautification project. We intend to implement functional development along the Pasig River that will promote tourism and transportation connectivity for the benefit of ordinary Filipinos,” ani Housing Secretary Jose Rizalino Acuzar sa ulat ng Inquirer.net.
Magkakaroon ng major glow-up ang nasabing ilog para makatulong sa pagsulong ng turismo at transportasyon sa Metro Manila.
Inilunsad ng Department of Human Settlements and Urban Development at ng
IAC-PRUD ang Pasig Bigyang Buhay Muli project, upang maibalik ang dating ganda at buhay ng Pasig River.