Saan nakarating ang ayudang natanggap mo noong pandemya?
Para sa mag-asawang Raymond Anduyan at Mai Tumilap na taga Cavite, ang Php8,000 ayudang natanggap nila ay isa nang lumalagong negosyong peanut butter. Hindi inakala nila Mon at Mai na malayo ang mararating ng tulong na natanggap nila noon.
Pagmamalaki ni Mai sa Facebook page ng “Mai peanut butter,” masarap ang gawa nilang palaman kaya hindi mapapahiya ang kanilang resellers.

Dahil na rin sa good feedback ng peanut butter ni Mai at Mon, dumami ang kanilang mga reseller kaya mabilis na lumago ang kanilang negosyo. Bukod sa patok ang kanilang peanut butter sa kanilang suki, ito rin ang pumondo ng kanilang dream wedding noong ika-15 ng Oktubre.
Syempre hindi nawala ang peanut butter sa kanilang reception at wedding souvenir.
Umani naman ng papuri at paghanga ang mga netizen sa ipinakitang kasipagan ng mag-asawang Mai at Mon.
“Nasa diskarte talaga ang buhay,” komento ng isang citizen.
“Nice decision,” sabi naman ng isa na tumutukoy sa desisyon nina Mai at Mon na ipuhunan sa negosyo ang nakuhang ayuda.
“Nakaka-inspired,” ang tugon naman ng isa.