Tuwang-tuwa ang mga netizens sa isang witty commercial ng isang insurance company matapos nitong i-level up ang mga “Sharon” jokes tuwing may handaan.
Paano ba naman, naglabas ang kumpanyang ito ng isang ad na pinagbibidahan mismo ni Sharon Cuneta na kung saan mapapanood na nagbibigay ng payo ang Megastar sa isang nanay na nasa handaan at akmang magsha-sharon na ng mga handa.
“Watch the Megastar Sharon Cuneta share her best-kept secrets sa pagsha-Sharon,” ani ng insurance company.
Kabilang sa mga tips ni Sharon ay gumamit ng trusted container sa pagsha-Sharon.
At kung walang makitang container, ayon kay Sharon, dapat ay doblehin ang pambalot or plastik na gamit upang di magleak ang ulam.
Syempre pa, hinalintulad ni Sharon ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang gamit sa pagsha-Sharon sa pagkamit ng financial security.
Bentang-benta naman ang commercial sa mga netizens, lalo na dahil mismong si Sharon ang nang dogshow.
“Super love this! Galing”
“Inuulit ulit KO, cute ni Sharon.. nkkatuwa tlga cya”
“Apaka talino ng gumawa nito, na sulit niyo si Ms. Sharon Cuneta dine”
“So simple and true”
“I love it! Super witty!!”