Wag niyong ginagalit! Jollibee nag ‘beast mode’ ng makakita ng nakasuot ng McDo sa birthday party

Wag niyo kasing ginagalit si Jollibee!
Found this article interesting? Help others discover it too!

Napakaraming video ng Jollibee mascots ang kumakalat araw-araw mula sa iba’t ibang birthday party sa Pilipinas ngunit isang partikular na post ang pinagkakatuwaan ngayon ng mga netizen.

Sa video, makikita si Jollibee na nag “beast mode” nang makita ang isang panauhin sa party na nakasuot ng jacket na McDonald’s na kilalang kakumpitensiya ng franchise sa pagiging No. 1 fast food chain sa bansa.

Hagalpak ng tawa ang mga bisita sa handaan nang tumigil si Jollibee sa pagsasayaw at lumapit sa party guest. Maya-maya lang ang dinala na niya ito papunta sa pinto upang palabasin sa party. Hindi pa nakuntento, hinarangan pa ni Jollibee ng upuan ang pintuan para siguruhin na hindi na makakabalik pa ang bisita.

Makikitang natawa na lang si kuya nang napalayas na siya ng mascot kaya’t inilabas na lang niya ang kanyang cellphone upang kunan ang kanyang pagkaka-ban sa party. Pero hindi pa doon nagtapos ang lahat dahil lalo pang inasar ni kuya si Jollibee na umakma namang nag-eensayo para makipag boksing.

“Ang kulit mo talaga Bee,” ani isang netizen

“Cute mo talaga Jollibee sobrang nakakatawa ka,” sabi pa ng isa.

Panigurong nag enjoy naman ang mga bisita ng party sa naging asaran ng dalawa.