‘Wag mo akong iwan papa!’: Pomeranian pup na aksidenteng na ‘off-leash,’ nagsabog ng kakyutan sa internet

Benta sa mga animal lovers ang reaksyon ng Pomeranian pup na hindi napansing natanggal na sa pagkaka-leash habang nagwo-walking.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nagdulot ng aliw ang eksena ng isang furdad na “nakalimutan” ang inilalakad niyang furbaby.

Sa video kasi makikita ang cute na puppy na humahabol sa kanyang furdad dahil natanggal ito sa leash. Ang kanyang furparent naman ay walang kamuwang-muwang na leash na lang ang natitira sa kanyang inilalakad.


Natuwa naman ang mga animal lovers sa naging reaksyon ng tuta na para bang nalito kung talaga bang maiiwan siya ng kanyang papa. Meron din naman nagbigay pa ng suggestion ng cute na Pomeranian pup.

“Ang laki mo Kasi Doggie kahit maliit ka super cute mo ”

“Naiwan na c doggie”

“Habol ka nlng doggie”

“hehe sumbong mo na lng bb sa mama”