Wag maliitin ang mga aspin! Apila ng isang content creator na nag-aalaga ng asong walang lahi

Hindi dapat ibatay sa lahi ang pagmamahal sa mga alagang aso, ani isang content creator.

Tinabla ng isang proud aspin dad ang isang netizen na nag-comment sa kanyang Facebook page tungkol sa pagiging “walang kwenta” ng pag-aalaga ng mga asong walang breed.

Sa isang screenshot ng comment, sinagot ng content creator na Barako Family ang panglalait ng commenter sa kanyang mga alaga. Sinabi kasi ng nag comment na dahil walang lahi ang mga alaga ng OP ay mabaho ang ihi at dumi nito.


Sa kanilang sagot, sinabi ng Barako Family na kahit walang lahi ang kanilang mga alaga ay proud sila sa mga ito dahil mapagmahal at loyal ang mga ito.

Sinabi din niyang hindi sila nababahuan sa dumi at wiwi ng kanilang mga alaga dahil palagi nila itong nililinis at pinapaliguan dahil mahal na mahal nila ang mga ito.

Nagpaalala din ito na ang pagmamahal sa mga alaga ay hindi dapat ibatay sa lahi ng mga ito.

“No hate po sa lahat.. Ang gusto lang namin wag po natin maliitin ang lahat ng alaga natin, mapa Aspin man eto o my Breed. Spread Love to Animals,” ani content creator.


Nag agree naman ang mga netizens sa komento ng OP.

“Aspin din po alaga ko di nman mabaho bhay dipinde po yan sa pag alaga at linis, khit my breed yan kong dika nman marunong mglinis babaho talaga yan!!”

“Ako kahit anong sabihin ng mga kapitbahay namin mahal ko ang mga aspin ko hindi naman sila ang nagpapakain at gumagastos”

“Pareho po tayo.lahat po ng babies namin aspin.pero never silang naging mabaho pati loob ng bahay namin..nasa pag aalaga po yan sa kanila”

Ang Barako Family ay isang vlog kung saan ibinabahagi ng OP ang pang araw-araw nilang buhay kasama ang kanilang 11 aspins. Kinagigiliwan ng mga netizens ang mga ito dahil sa pagiging disiplinado at malambing ng kanilang mga alaga.