Natawa ang mga netizens na kinailangan pa ng isang restaurant owner na magbigay ng paalala sa kanilang mga customers tungkol sa pagbibigay ng pagkain sa kanilang resident dog sa resto.
Paano naman, ang cute na doggong si Ash, pang-best actor kung humirit at paghingi ng food sa mga parokyano.
Kaya naman marami siyang nabubudol at nag-aakalang hindi pa siya nakakakain.
Marami naman ang nagsabing ok lang naman daw sa kanila mag-share ng food kahit na palaging busog si Ash.
“When I see strays I become their mom… So yes, I will be fooled by those lovely eyes. I’ll prolly share my food.”
“Ang cute po ni ash. Lagi nalapit pag ung liempo po ung order ko hehe”
“Professional con artist.”
“I love business establishments that are pet friendly, more so who have their pets with them in their business. It reflects owners who are kind hearted. ”