Bawal na bang mag pink? Isang nananahimik na nilalang ang hinanapan ng order ng isang gutom na customer.
Delikado na pala ngayon na magsuot ng kulay na pink dahil sa dami ng Food Panda riders na nagdedeliver ng order ng mga netizen.
Sa isang nakakatuwang insidente, isang Facebook user ang nagbahagi ng kanyang karanasan nang magkamali siya at tawagin ang isang mamang naka-pink upang dalhin sa kanilang pintuan ang hinihintay na order.
Sa kasamaang palad ay kahihiyan ang inabot ni ate dahil hindi pala Food Panda rider ang kanyang tinawag kundi ang kanyang nananahimik na kapitbahay.
Nalaman na lang niya ang kanyang pagkakamali nang dumating ang totoong Food Panda rider ang kanilang order.