Volleyball stars Kianna Dy at Majoy Baron, viral sa TikTok dahil sa pagkasa sa ‘Wag Ipagsabi’ dance trend

Game na game na sumabay sa TikTok dance challenge na “Wag Ipagsabi” ang volleyball stars na sina Kim Kianna Dy at Majoy Baron habang nagmumuse para sa isang team sa PBA.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Humirit na naman ang volleyball Taft Towers ng DLSU na sina Kim Kianna Dy (KKD) at Majoy Baron sa sayawan, ngunit this time, habang sila ay nagmumuse.

Sa TikTok video ni ibinahagi ni KKD (@kiannady_ ), makikitang elegant in black ang dalawa—na kinuha bilang muse ng isang PBA team para sa opening ng Season 50 Philippine Cup—habang sinasayaw ang viral dance challenge na “Wag Ipagsabi.”

@kiannady_ singer, dancer and now muse @Majoy Baron ♬ original sound – M I R A E – 𝑴 𝑰 𝑹 𝑨 𝑬ᯓ✦∘˙


Umani naman ng samu’t saring hirit at pangangantiyaw ang TikTok entry ng dalawa:

“sampal na nga lang wala pa rin sa timing😭”

“gumagaling na ba sila o nasasanay nalang ako?”

“dinaan tayo sa facecard”

“tamang sa madilim lang kayo para di kita yung galaw”

“grabeng improvement ‘yan, paatras 😓”