Importante sa mga atleta ang maging wais sa pinansyal na aspeto ng kanilang karera kahit sila ay bata pa at namamayagpag pa ngayon. Kaya naman ang volleyball phenom na si Alyssa Valdez, ginagamit ang kanyang kita sa pag i-invest sa mga real estate properties.
Ani Alyssa sa isang panayam ng Bilyonaryo News, ang pag-iinvest sa real estate ay isang magandang paraan para mapalago ang kanyang pera dahil tataas ang value nito sa mga darating na panahon. Makakatulong din ito para maisakatuparan niya ang kanyang mga plano sa hinaharap kung ano man ang nais niyang pasukin.
Syempre, importante din na mayroon siyang napagkakatiwalaan at nahihingan ng payo pagdating sa mga ganitong bagay kaya naman super thankful siya sa kanyang mga magulang sa pagbibigay sa kanya ng guidance.
“My parents and other people are actively helping me outside of volleyball also kung paano ko ima-manage ang financials ko and I think iyon ‘yung isa sa mga things na I would say kailangan talaga natin, kailangan namin athletes na kailangan namin ng guidance talaga,” aniya.
“At the end of the day when we’re getting our salaries, sometimes we just don’t know where to put it or how to use it in a way na mas magflo-flourish siya, in that aspect. So ako I’m lucky enough to have other people na tumutulong sa akin,” dagdag pa niya.