Vlogger na si FynestChina, sinagot ang one year supply ng pet food ng animal rescuer sa Cavite

Kapwa naging masaya ang vlogger na si FynestChina at ang kanyang loyal follower na nabigyan ng pang tuition dahil sa kabaitan at kasipagan.

Kung ang ibang content creators ay iba’t ibang gimik at pamigay para mapansin, ang regalo ni FynestChina sa kanyang loyal follower na si Kyzza Elaine Gonzales Abalos ay maituturing na malaking tulong sa kanyang advocacy.

Sinorpresa ni FynestChina si Lyzza nang magpadala ito ng $350 o Php19,000 para sagutin ang pagkain ng kanyang rescued furbabies na umabot na sa isang aso at 20 pusa.

Kilala si FynestChina o si John Paul Nuque, isang US-based Instagram star sa pagtanggap ng iba’t ibang challenge mula sa kanyang mga followers, lalo na sa PIlipinas.

Sa post ni FynestChina, sinabi niya na napili niya si Lyzza dahil sa pagpupursige nito sa pag-aaral at sa kabutihan ng kanyang puso sa pag-rescue ng mga pusa’t aso mula sa lansangan.


Ang nakakatawa pa, inabot pa ng isang linggo bago na-seen ni Lyzza ang message ng vlogger kaya’t inabot din ng isang linggo bago nito nai-forward ang mga detalyeng kailangan ng vlogger para makapag transfer.

Masaya naman si FynestChina na nakatulong siya at dinagdagan pa ng isang libo ang pinadala dahil kinulang pa ito sa bente mil.