Kung ang iba ay abala sa pagkasa sa dance challenge ng “Opalite,” isa sa mga latest hits ni Taylor Swift, isang TikToker naman ang gumawa ng dance cover ng SM jingle na bet mismo shopping mall chain pati na rin ng mga netizens.
Sa TikTok video na ibinahagi ni Seyon, tampok ang kanyang todo hataw at slay na moves sa saliw ng SM Malls jingle na “We Got It All For You.” Halatang pinag-isipan at effortan ang original dance cover dahil swak ang bawat kembot at kumpas ng kanyang kamay sa kanta.
“Anong gagawin mo pag bored ka? Me: #smmall,” ani Seyon sa kanyang caption.
Napansin agad ito ng SM Supermalls at napa-comment pa nga ito ng isang meme sa kanyang video na agad namang hiniritan ni Seyon kung hired na ba siya.
Sinundan rin ito ng comment ng official TikTok page ng SM Mall of Asia: “Bet! May tutorial po?”
Inimbitahan naman si Seyon na mag-perform sa SM City Calamba. “pakkkk perfect! Ate and left no crumbs! Pwede na for performance here at SM City Calamba,” anya ng shopping mall.
@liryc_noes “anong gagawin mo mo pag bored ka?” me: #smmall #smsupermallthemesong #dance #hereatsmwegotitall #fyp ♬ original sound – Roger Smith Official
Kinantiyawan din siya ng mga netizens dahil sa kanyang energetic na dance cover:
“Dahil jan sasayaw ka sa lahat ng SM Store nationwide🤣….Mag mall tour yan siya!hahahaha”
“pang closing to eh. HAHAHAHA”
“na para bang may life time supply ng sm turon😭😭😭😭”
“It’s giving kpop tiktok dance challenge haha 💯💯”