Matapos mag-viral dahil sa kanyang pang runway na get up sa graduation rites ng kanyang anak, umaani naman ngayon ng blessings ang binash na si Bernadeth Flores Cutas. Isang salon owner at isang shoe designer ang ngayon ay nag-o-offer kay Mommy Bernadeth ng endorsement deals.
Una nang nagsabi na ipinapahanap ni Adarna Grande, may-ari ng Adarna Grande Hair and Nail Salon at Gwapeng Salon si Mommy Bernadeth para bigyan ng lifetime free salon services para pak na pak ang look niya sa next commencement ng kanyang mga chikiting.
Katunayan nga, sa upcoming opening ng branch ng Adarna Grande, kasama pa si Mommy Bernadeth sa ribbon cutting.
Samantala, hinahanap din ng local shoe designer na si Jojo Bragais si Mommy Bernadeth na balak yatang gawing model sa isang high fashion shoot.
Marami naman ang netizens na natuwa para kay Mommy Bernadeth na nagtamo ng blessings kahit na umani ng malupit na bashing dahil sa pagdadamit ng maganda sa event ng kanyang anak.