Isa na namang malaking blessing ang natanggap ng veteran actress na si Judy Ann Santos-Agoncillo nang masungkit nito ang Best Actress award sa naganap na 45th Fantasporto International Film Festival sa Portugal para sa kanyang pagganap sa horror film na “Espantaho.”
Si Juday mismo ang tumanggap ng award nitong March 9 kasama ang kanyang asawang si Ryan Agoncillo.
“It is with great pride and honor that I’m here to represent my country, which is the Philippines,” ani Juday sa kanyang acceptance speech.
“To my husband and three children, they’ve always been my inspiration in every project that I make. I am just so happy I will be bringing home the best souvenir,” dagdag pa niya.
Sa isa namang mensahe na kanyang pinost sa kanyang Instagram, nagpasalamat ang aktres kina Direk Chito Roño, Chris Martinez at sa buong cast at crew ng “Espataho.” “Siyempre para sa atin ito. Hindi naman ako makakarating dito kung hindi ko kayo kasama,” aniya.
Bago pa ang awards night, sinabi na ni Juday na big bonus na lamang kung manalo siya dahil malaking karangalan na ang maimbitihan sa film festival at mapalakpakan ng marami ang kanilang pelikula.
“That alone, bonggang bongga na yun,” aniya.
Pero pinalad pa rin at naiuwi niya nga ang isang napakagandang souvenir mula sa film festival.
“Ang bigat-bigat ng award. Iniisip ko na kung magkano ang babayaran ko sa excess baggage ko pauwi pero masayang-masaya kong babayaran yun maiuwi ko lang ito. Mabuhay ang Pilipinas,” ani Juday.