Very Pinoy ang design: Miss Earth Philippines, ipinamalas ang Filipino humor sa kanyang intro video

Siguradong tatatak ang video ni Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma sa kanyang intro video ng pageant dahil sa kanyang masayang atake.

Kung ang ibang kandidata ng beauty pageants ay super serious ang pagbibida ng kanilang mga achievements, mas kinarir ni Miss Earth Philippine Joy Barcoma ang pagpapakita ng kanyang personality at humor sa kanyang introduction video.

Sa kanyang nakakatuwang atake, ipinakita niya ang kanyang background pero sa paraang nakakatawa at hindi boring.

Agaw-eksena ang kanyang pagka-sporty pero sa larangan ng jackstone, ang kanyang government job pero kahit ano-ano lang ang tina-type sa screen. Pagdating naman sa binge-watching, Raffy Tulfo naman ang kanyang pinanonood.