Venom, tiklop ang angas sa baby girl na nagmano sa kanya

Venom, good manners, baby girl, viral, Robinsons Mall, Marvel
Found this article interesting? Help others discover it too!

Dahil panahon na ng kapaskuhan, dapat ay nagsisimula na magpraktis ang mga kabataan para magbigay galang sa kanilang mga ninong at ninang. Kaya naman agaw-pansin ang isang baby sa Robinsons Antipolo na pinagpraktisan ay walang iba kundi ang mascot ng Marvel character na si Venom.

Sa post ng mall tungkol sa interaksyon ng iba’t ibang mallgoers sa mascot, bukod tanging ang bagets lang ang nakaisip na magmano kay Venom. Kaya naman ang madlang netizens, aliw na aliw kay baby girl.

“Even a baddie like Venom can’t resist a cute thing. Ommo”

“she has no enemies”

“bless kay ninong venom”

“Villain arc ended after this”