Uyyy, marunong na siya! Mga netizens, nagbunyi dahil natuto na magbago ng FB font si Mayor Vico

Ifinlex ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagkatuto niyang gumamit ng stylized font sa Facebook.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi lingid sa mga Pasigueño na hindi masyadong maalam sa technology ang kanilang mayor na si Vico Sotto. Case in point na lang ang low-tech nitong cellphone na mistulang dream sequence ang kada FB Live nito.

Pero bilang patunay na lahat ng bagay ay pwedeng aralin kung gugustuhin, ipinakita naman ni Vico na willing itong matuto at mag-upgrade ng kanyang nalalaman.

Sa isang comment, nagtanong ito sa kanyang mga constituents kung paano magbago ng font kung magpo-post sa social media.

Agad naman itong inulan ng mga sagot kahit na hindi na naman siya nakalusot sa kantiyaw ng mga netizens.

Patunay na nagbabasa at sumasagot si Mayo, nagpasikab ito sa mga susunod na post nito kaya naman ang mga fans, agad nagbunyi gamit ang iba’t ibang meme.