‘Utot-geddon’ sa isang flight! Pasahero, pinababa dahil sa kakaibang ‘pasabog’

Dahil sa malakas na utot, isang pasahero ang pinababa ng American Airlines.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Marahil mas matindi pa sa turbulence ang inabot ng mga pasahero ng American Airlines nang magpasabog ng napakalakas na utot ang isang sa mga nakasakay habang naghahanda ang eroplanong mag-takeoff.

Ayon sa ulat ng People Magazine, isang netizen ang nag-post sa Reddit ng mabahong karansan na ito.

“You thought that was rude? Well how about this smell,” ito daw ang mga nasambit ng pasahero bago nagpakawala ng isang malakas na utot. Hindi naman alam ng pasahero kung saan nag-ugat ang pangyayari.

‘Yeah, everybody, let’s just eat the smelliest food possible all at the same time,” dagdag pa daw ng pasahero.

Hindi ito ikinatuwa ng iba pang pasahero na nasa economy class kaya sinabihan ang umutot na sumakay na lang sa private plane.

Mabuti na lang bumabagtas pa lamang sa runway ang eroplano at naghahanda para sa takeoff mula Phoenix patungong Texas. Nilapitan ng isang flight attendant ang nasabing umutot na pasahero para sabihin na hindi na siya maaaring sumabay pa sa flight.

“He gets up, grabs his bag, and quietly exits the plane…We all breathed a sigh of relief when he was removed,” ayon sa Reddit user.

Dahil dito nadelay ang flight nila ng 15-30 minutes.