Humaling na humaling ang isang kuting sa panunuos ng mamang naghahalo ng semento.
Magkano ba ang bayad sa foreman? Tila may pangarap ang isang kuting na maging bisor ng mga tagahalo ng semento nang karirin nito ang panunuod at pagbabantay sa isang lalaking nagtitimpla nito.
Bentang benta sa kuting ang ginagawa ni kuya, dahil hindi niya iniiwanan ng tingin ang ginagawa nito. Hindi pa nakuntento, mas lumapit pa ito upang tignan kung tama ang ginagawa ng mama.
Maraming mga netizen ang naka relate sa ginagawa ng pusa dahil maging ang mga tao ay nalilibang sa panunuod ng mga naghahalo ng semento dahil nakaka relax ito.
Sumakto pa ang kilos ng pusa sa background music na Japanese song at tagalized serye kaya’t lalong bumenta ang bidyo sa madlang pipol.
“Ang cute naman,” sambit ng isang netizen.
“ming be like: luh bat may tubig littersand ko, sak bat nila pinapala?” pagdududa ng isa pa
“forman the cat,” biro ng isang nagkomento
“Same ming, same,” ani ng isang netizen