US Ambassador Carlson, hinarana ng Pinoy Christmas carol ang mga bisita sa community party

Panoorin si US Ambassador MaryKay Carlson na kumanta ng “Kumukutikutitap” sa US Embassy party. Hinangaan ng netizens ang kanyang festive effort!

Pinaghandaan ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ang ginanap na community Christmas party ng US Embassy sa Maynila dahil may pa-surprise siya sa mga dumalo.

Nag-practice pala ang Ambassador at inaral ang isa sa mga sikat na Christmas carols na “Kumukutikutitap” para mag-perform sa stage para sa mga bisita.

Ani Ambassador, medyo nahihiya pa siya sa kanyang performance at nagpasalamat pa sa audience dahil sa pagiging “forgiving” kahit hindi siya professional singer.

Marami namang mga Pinoy ang naka-appreciate sa ginawa ni Ambassador Carlson dahil pinatunayan niya talaga na kaisa siya ng mga Pinoy sa pagdiriwang ng kapaskuhan.