UP-Cebu class valedictorian, ni-reveal ang kanyang winning formula!

Isang estudyante ng University of the Philippines-Cebu ang nagpatunay na pwede pa rin magtagumpay kahit huminto sa pag-aaral at magpahinga ng isang taon.

Napatunayan ng summa cum laude na si Jethro Sia Modequillo na pahinga ang sagot sa pagod at hindi pagsuko.

Sa una, akala ni Jethro, na nagtapos kamakailan sa kursong computer science sa University of the Philippines-Cebu, ay simpleng pagpo-procrastinate lamang ang kanyang ginagawa noong nag-aaral pa siya pero iba na pala ang kanyang pinagdadaanan.

“I’d stare at my screen to type out an essay, but nothing would come out. For a long time, I thought this was just procrastination, but I don’t think so anymore,” ayon kay Jethro sa panayam ng CDN Digital.

Inamin niya, kahit na pilitin niya, ramdam niya na may iba nang sinasabi ang kanyang katawan—iyong mga dating school tasks na ilang oras lang niyang natatapos, biglang umaabot na ng ilang araw.

Kalaunan, na-realize niya na may kinalaman na ito sa kanyang mental health. Doon na siya nagpasya na huminto muna siya ng pag-aaral ng isang taon—isang desisyon na nakatulong sa kanya, ayon kay Jethro.

Sa kanyang pagtatapos, siya ang valedictorian sa kanyang klase nitong taon at nakakuha siya ng general weighted average na 1.115. Ani Jethro, hindi niya pinagsisihan na tumigil muna siya sa pag-aaral at kung kinakailangan niya ulit magpahinga, hindi siyang magdadalawang-isip na bumitaw ng panandalian dahil ito anya ang tumulong sa kanya para maging isang achiever. Sa kanyang graduation speech, nagbigay siya ng tatlong “wish” para sa mga kasama niyang nagtapos: “Do what you love to do,” “Be open to failure,” at “Give back to something you care about.”