Unicorn, paniki? Kakaibang hula ng makukulit na estudyante sa kambing na drawing ni teacher, kinagiliwan

Walang boring moment sa klase ng makukulit na batang ito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi malaman ng isang guro kung ano ang kanyang magiging reaksiyon sa kanyang klase ng cute at makukulit na kindergarten pupils na hindi makapaghintay bago siya matapos gumuhit sa blackboard bago hulaan ang hayop na kanyang dino-drawing.

Sa video na ipinost ni Jo & Grace, kahanga-hanga ang concentration ng guro habang gumuguhit ng kambing para pahulaan sa kanyang mga estudyante ngunit sa simula pa lang ay hindi na nila mapigilang humula.

Ang siste pa, ang mga hula nila ay umabot na sa baka, lechong baka, kabayo, aso, at maging unicorn. Habang isinisigaw nila ang kanilang mga hula ay halata naman ang teacher na pigil na pigil ang pagtawa dahil sa paggalaw ng kanyang mga balikat habang nagpapatuloy sa pag drawing.

Humakot naman ng katatawanan ang eksenang ito mula sa mga netizens: “un dati gusto ko mag teacher buti na lang Pala Hindi kasi d Ako magaling mag drawing” “na тawa aĸo ѕa lecнong вaĸa” “Hahahah, ok ung unicorn ng students mo mam,. Kabayo may sungay” “Naloka ako aa paniki at dolphin” “Panigurong sa ganitong klaseng classroom, walang boring moment!”