Unexpected collab! Mimiyuuuh X Bretman Rock, naghasik ng good vibes sa kanilang unang pagkikita

Nagkasalubong lang sa Aivee Clinic ang content creators na sina Mimiyuuuh at Bretman Rock pero comedy gold na agad ang kanilang unang pagkikita.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Anong mangyayari kung dalawang makulit at fierce na content creators ang nagsama sa isang reel? Sabog! Ito na nga ang naganap nang magpang-abot at magkakilala na si Mimiyuuuh at ang Fil-Am superstar na si Bretman Rock kamakailan habang nagbakasyon sa Pilipinas si Bretman.

Ibinahagi ni Mimiyuuuh na nagkita sila sa The Aivee Clinic para magpa-beauty treatment. Sa simula pa lang at puro kalokohan na ang dalawa at talagang tuwang-tuwa din ang mga fans sa kanilang interaction.

Sa katunayan, may mga ibang fans din ng dalawa ang gumawa ng mga memes sa kanilang very relatable interaction.

“The aggressive high five while laughing 🤌🏽🤌🏽🤌🏽”

“Ampota nakakanosebleed kung straight englishera”

“WAITTTT 🙈🙈 more please!!!”