Unexpected ‘Chanel’ dance move ng lalaki habang nagbubuhat ng tubig, nagpatawa sa TikTok

Pati ang pagbubuhat ng tubig nadamay sa mga dance steps ng isang lalaki na sumubok sayawin ang “Chanel” ni Tyla.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Dance challenge with a twist ang atake ng isang lalaki nang bigla itong kumasa sa viral sayaw na “Chanel” sa TikTok habang nautusan itong magbuhat ng basyo ng tubig.

Sa TikTok video ni Dongs Ke (@dongske16), makikitang pumapagaspas ang kanyang mga kamay na isa sa mga steps ng sayaw dahil mabigat ito.

Aliw na aliw naman ang netizens sa paglapat ng kanta ni Tyla sa proseso ng kanyang pagbubuhat.

@dongske16 Kulang sa exercise #highlight #fyp #foryoupage ♬ original sound – Dongs Ke

“may originality 😂”

“naisip mo pa talaga to 😭😭😭”

“Malapit na sana ako magsawa sa tugtog na toh, havey yung version mu kuya 👏👏🤣”

“Dami ko tawa hahaha… at least may bago di ba hahahaha”

“pati tubig nadamay na😂”