‘Unang kagat lungkot agad’: Babae nag-viral sa kanyang hugot habang nagluluto

Laugh trip ang dala sa netizens ng isang babaeng bumirit ng mapanakit na “Sana Maulit Muli” habang gumagawa ng pizza.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Isang TikTok post ng isang singer na netizen ang naghatid ng aliw sa internet matapos niyang bumirit ng isang mapanakit na “Sana Maulit Muli” habang abala sa pagluluto ng pizza.

Sa caption pa lang ni TikTok user Dhesa Escalona, ramdam din agad ang kanyang hugot: “Broken ka, pero kailangan mong mag-trabaho.”

Makikita sa kanyang video na habang abala sa kanyang pagluluto at kayod ng dough, hindi naman niya napigilan ichannel ang sawi energy sa kusina.

@dhesaescalona baker na broken ang atake 😂 #fy #fyp #fypage #fyppppppppppppppppppppppp #fypシ゚ #fypp #songcover #dhesaescalona ♬ SANA MAULIT MULI DHESA ECALONA COVER – dhesaescalona

Umabot na sa 1.3 million views ang video, at siyempre, dagsa rin ang mga comments na hindi lang nakakaaliw, kundi sobrang relatable rin:

“ate pa cancel nung Hawaiian ko isang redhorse at sisig nalang”

“Collab po tayo. Ikaw kakanta, ako hahagulgol.”

“matagal pa ba yan te, masakit na kasi”

“Hawaiian❌ Hiwalayan ✅”

“unang masa, hindi na sana aasa pa”

“nabroken din ako habang nag tatrabaho pero di ganito boses 🤣🤣🤣”

“Unang kagat lungkot agad🤣”