Para sa mga health buffs, masarap mag-workout kapag may fitness buddy. Pero iba ang katandem ni Heidy Fernandez: ang kanyang super active na aspin na si Bela.
Sa isang viral TikTok post, kita si Bela na todo sabay sa pag-treadmill ng kanyang amo, habang sinusubukang abutin ang 10,000 steps.
Ang problema, lugi si Heidy dahil laging x2 ang step count ni Bela.
“Mauna pa alaga ko maka 10k steps sakin 4 paa nya x2 agad,” sabi ni Heidy sa kanyang caption.
@heidyhfernandez My treadmill buddy 😅 x2 paa. #dogsoftiktok #puppytiktok #walkchallenge #fitness ♬ original sound – ⚢
Aliw na aliw naman ang netizens sa fitness bonding ng mag-amo:
“Masikip na po yang treadmill para sa inyong dalawa, baba ka na po”
“Hahaha talo n mama mo bibi”
“istorbo daw po keu s paglalakad nia”
“Kayo ning Po mag adjust”
“moral of the story bumili ng isapang treadmill..ang cute ni doggie”