Ultimate green flag! Groom, nagpadala ng Jollibee sa araw ng kasal para hindi magutom ang bride, nagpakilig

Napa-sanaol na lang ang netizens sa ka-sweetan ng isang groom na sinigurong hindi magugutom ang bride sa araw ng kanilang kasal.

A happy wife is a happy life ika nga, at mukhang handang-handa na ang groom ng OP na si Paula Merioles sa FB page ng The Budgetarian Bride, ibinahagi niya ang isang larawan kung saan kumakain siya ng isang Jollibee hamburger sa loob ng bridal car.

Ayon sa kanya, ipinaabot ito ng kanyang groom sa wedding coordinator para hindi siya magutom habang naghihintay.

Ibinahagi ng maswerteng bride na nakakain naman siya ng heavy breakfast at lunch para makapag prepare sa kanyang big day pero siniguro pa rin ng kanyang hubby na hindi siya magugutom sa gitna ng mga activities na mangyayari sa event.

“Mga ganitong example nagreremind satin not to settle for less,” ani isang netizen.

“jollibee yum – anong kwento mo lakas makaCommercial,” hirit naman ng isa pa.

“sana ganito din Hahahha , alam mo Naman fav ko sa jabeee”

“sana all busog nong wedding”