Ukrainian gymnast na humataw sa ‘Thriller’ ni Michael Jackson sa kanyang routine sa Paris Olympics nag-viral!

Tila na-time warp ang mga manonood ng Paris Olympic Games matapos gamitin ng Ukrainian rhythmic gymnast na si Taisiia Onofriichuk ang 1980s hit song ni Michael Jackson na “Thriller” sa kanyang hoop routine sa gymnastics competition.

Sa post sa X ni netizen Veronica, makikita si Taisiia na nagcompete kumpleto gamit ang pulang damit na kapareho ng suot ng King of Pop sa official music video ng kanyang kanta.

“She chose Michael Jackson’s ‘Thriller’ and showed up in all Red??? Now that’s a SERVE #Olympics,” caption ni Veronica

Bilib na bilib naman ang mga netizens na nakapanood samantalang meron ding ginamit ang pagkakataon para bigyang pugay sa singer, na namatay noong 2009.