Tupperware is life!: Judge Judy, nakunsumi sa dalawang Pinay na nag away dahil sa…Tupperware

Hindi man ikinatuwa ni Judge Judy na dinala pa ng dalawang Pinay sa korte ang alitan tungkol sa Tupperware, bumenta naman ito sa mga netizen.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kilala si Judge Judy sa Amerika bilang isang pomosong judge na nagbibigay ng hukom sa mga kasong inihahain sa kanyang TV show. Ngunit hindi niya kinaya ang kaso ng dalawang Pinay na nag-away sa national television dahil sa Tupperware.

Sa isang lumang footage ng show na ngayon ay kumakalat sa internet, makikitang iritable na agad ang judge ng malaman kung ano ang pinagtatalunan ng dalawang Pinay. Lumaon, nalaman na lang na ang isa sa mga ito ay nagbibintang sa kanyang kaibigan na kumuha ng Tupperware sa kanyang bahay ng walang paalam.

Ayon naman sa inakusahan, bilang siya ang dealer na nagbenta sa kanyang kaibigan ng mga Tupperware sa murang halaga, hindi nya kailangan kuhanin pa ang mga Tupperware sa bahay nito tulad sa ibinibintang nito. Ngunit gigil pa rin ang may-ari ng bahay at idiniin na kinuha nga nito ang Tupperware ng hindi man lang nagpapaalam.

Ninais mang ipaliwanag ng dalawang Pinay ang kanilang panig ay hindi na nila nagawa ng maayos dahil parehas silang nakagalitan ni Judge Judy sa pag-aaksaya ng kanyang oras. Ayon sa judge, nainis na sya nung una pa lang niyang nabasa ang kaso na naglaan ng 60 linya sa alitan tungkol sa Tupperware.

In fairness naman sa dalawang Pinay, totoong Tupperware naman ang kanilang pinagtalunan at hindi recycled na container ng ice cream na madalas ding tawaging Tupperware ng ating mga kababayan.

Laugh trip naman talaga ang dalawang ito.