Dahil wagi ang kanilang mga karakter sa mga Korean children’s games sa Netflix series na Squid Game, mukhang hindi inakala nina Lee Jung Jae at Jo Yu Ri na mas mahihirapan sila sa mga larong pambata ng mga Pinoy.
Sa isang segment na pinrodyus ng Netflix, hinamon ang dalawang Korean stars para sa isang laro ng Tumbang Preso.
Confident pa nang sumabak si Lee Jung Jae noong una pero matapos ang ilang pagsubok ay nakatanggap ito ng malaking X mula sa mga Squid Game guards.
Si Jo Yu Ri naman ang mas pinalad na nakapagtumba ng lata kaya’t inalay niya ang kanyang achievement sa kanyang Pinoy fans.
