‘Tulo na pawis, tulo pa luha!’: Emosyonal na reaksyon ng gym-goer sa kantang ‘Multo,’ kinagiliwan online

Found this article interesting? Help others discover it too!

Marami nang pinaiyak at sinaktan ang kantang “Multo” ng Cup of Joe dahil sa sobrang relatable na lyrics nito lalo sa na sa mga brokenhearted at may pinagdadaanan.

Pero pinatunayan kamakailan ng isang gym rat na mas masakit pala pakinggan ang kanta kapag nagwowork-out.

Sa isang nakakatawang eksena sa TikTok, kuha sa isang video ang isang lalaking lumuluha at tulala na tila naputol ang pag-eexercise nang biglang ipatugtog sa gym ang kantang “Multo.”

Pero napaiksi naman ang kanyang pag-eemote at hindi niya rin napigilang tumawa dahil bigla na lang may umungol sa di kalayuan ng “Waaah!”

“Lumabas lahat ng hinanakit nila,” ani uploader @braderlouieee sa kanyang post.

@braderlouieee lumbabas lahat ng hinanakit nila #gym #multo #relatable #fyp #funny ♬ original sound – Br4der

Laugh trip naman ang mga hirit ng netizens sa comment section:

“burning calories ❌ burning memories✅”

“HAHAHAHAHAH u have to burn memories along with calories😭😭”

“tulo na pawis tulo pa luha HAHAHAHAHAHA”

“ilang kilo paba, para buhatin ang aking nadarama”

“mas mabigat pa yung pinagdadaanan kesa dun sa binubuhat eh”