Laugh trip ang nangyari sa isang content creator sa noong bumuhos ang malakas na ulan kamakailan lang dahil kung ano-anong mga gamit ang makikitang lumulutang sa baha. Sa pagkakataong iyon, natawa na lamang siya nang isang bote ng Red Horse Mucho na ang mistulang kumatok sa kanyang pintuan at tila ba tinutukso siya na tumagay muna.
Sa kanyang caption, sinabi niyang “Yung alak na ang lumalapit sa iyo” pero proud naman siya sa sarili niya dahil siya na mismo ang tumanggi at pinagsaraduhan pa nito ng pinto ang boteng mapanukso.
Tawang-tawa naman ang netizens sa kanyang video:
“Hahaha Naga kusa na ung alak at Alam na masarap daw Yan sa tag ulan haha”
“Grasya paborito ng lahat”
“Hahaha na miss kna daw nya”
“Sayang sis he he”