Tsismisan Buwan ng Wika edition: Skit tungkol sa mga Marites na malalim managalog, patok!

Nakakadugo rin pala ng ilong ang malalimang Tagalog kapag nakikipagtalastasan ng palihim tungkol sa mga katrabaho.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Winner ang content ng Design Pirate Ph na humabol pa sa Buwan ng Wika. Tungkol ba naman ito sa mga Marites na mahilig magtsisimisan tungkol sa kanilang mga ka-opsina pero syempre, dahil nga sa okasyon, dapat may twist.

Iba din talaga ang dating pag ang tsismis ay kinakalat sa pamamagitan ng wikang Tagalog.

Nariyan ang pagkagulat na ang isang katrabaho ang siyang naiangat ng hindi siya ang nararapat, at meron rin namang mga iba pang eksenang karaniwang nasasaksihan sa isang kapihan na pinagtatambayan ng mga nag o-opisina at mag-aaral.

Nalibang naman ang mga netizen sa usapan at nakitsismis na din para masukat ang kanilang sarili galing sa wika.

“Ang tatas! Ganito dapat kung magchichismisan HAHAHAHA”

“Nosebleed si ate sa likod 😆”

“Masarap pakinggan, ang haba nga lang hehehe”

“Nayong araw ko lang natuto ang salitang ‘obena’ 😂 tenkyiu”