Patok sa mga netizens ang video ng isang puting pusa na abalang-abala sa pagmamasahe ng kanyang fur mom.
Sa TikTok post ni @skyiswhite, makikita ang tatlong taong gulang na si “Sky” na wiling-wili sa paghagod sa likod ng kanyang fur mom.
Aliw din ang caption ng fur mom na si Mau De Ocampo ng Tayabas City, Quezon dahil sa sinabi niyang ito ang paraan para makakuha ng treats si “Sky”.
“Trabaho muna bago treats,” sabi ni Mau.
@mdcmp_ Trabaho muna bago treats 😂 #catsoftiktok #persiancatlovers #cats #catslovers #whitecats ♬ Meow meow meow meow – 𝐌𝐚𝐫𝐤›:
Napa “sana all” naman ang mga netizens sa nakakatuwang video ni Sky.
“Yong nag pahilot ka Pero wlang lakas”
“cutieee, it really looks like my cat Poly Mahilig din mag massage kaso mabigat”
“Pakisabi mi ako naman sunod”
“ayan magtrabaho ka para sa chimken”
“free massage”
“wow…magkaroon sana ako ng ganyang pusa..minamassage ako..”