Matapos mag-viral ang mga lumang videos noong siya ay bata pa, mukhang matutuloy na talaga ang album ng PBB Big Winner na si Mika Salamanca dahil mismong siya na ang nag-announce ng bago niyang ganap sa Star Music account.
Mula nang lumabas sa Bahay ni Kuya, naglipana ang videos ni Mika na kumakanta sa videoke at may pa MTV feels pa. Ang mga fans na mismo ang nagpakalat at nag-compile ng mga ito para gawan siya ng sarili niyang album, na pinangalanan pa nilang “Nadapa” hango sa isa niyang skit.
Ang mga videos pala ay nakuha ng mga fans mula sa account ng kanyang mommy dahil palagi daw itong pinapadalhan ni Mika ng mga videos noong siya ay OFW pa.
Nag-request naman agad ang kanyang mga fans ng recreation ng lahat ng kanyang “cover hits.”
“Deserved!!!! Spotify and YT music ready na hahah!!! tapos MV with Brent”
“Dasurv mo yan Miks.”
“Sana isama Ang #SinoNgaBaSya version nya sa Album”