Usap-usapan ang likas na ganda ng commoner na asawa ni Prince Abdul Mateen
ng Brunei sa kanilang Royal Wedding. Lalo pang tumingkad ang kagandahan ni Anisha Rosnah Isa-Kalebic sa makeup nito.
Isang Pinay ang nasa likod nito, ang top makeup artist na si Denise Go Ochoa.
“Nothing but the best for @tmski and #anishaisakalebic #anishaik,” ang caption ni Ochoa sa kanyang Instagram habang ibinahagi niya ang mga larawan ng bagong kasal. Mayroon ding larawan na kasama siya ng mga ito.
“This spectacular celebration of love will forever be locked in my core. What a fascinating and humble experience in so many ways,” dagdag pa niya at isa umanong karangalan na maging bahagi ng Royal Wedding ng dalawa.
“Some unforgettable moments” anya para sa kanya ang mga pinost niyang mga larawan nina Mateen at Anisha.
Actually, dalawang Pinoy ang naging bahagi ng kasalang Mateen at Anisha. Noong nakaraan ay nag-post din ang photographer na si Mark Nicdao ng kanyang mga kuhang wedding portraits ng newly-weds.