Kinaantigan ng netizens ang isang bestie moment na inupload ng isang TikToker kung saan ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang kaibigan dahil alam nito kung anong klaseng itlog ang kanyang type kapares ng pancit canton.
Sa TikTok upload ni Alunsina (@heyitstth ), makikita ang larawan ng pancit canton at dalawang bagong lutong itlog. Binahagi ng uploader na na-touch siya sa pag-alala ng best friend niya kung paanong luto sa itlog ang gusto niya.
Aniya, hindi nagtanong ang kaibigan niya at alam lang ang gusto niya. Sa tagpong iyon na-realize niya na ang pagmamahal ay hindi lang nakikita sa engrandeng mga salita at kilos. Minsan, nasa swak na pagkakaluto ito ng kanyang pagkain.
https://www.tiktok.com/@heyitstth/photo/7544603399283543304
Naka-relate ang mga netizens sa sweet gesture na ito:
“its always the little things that make massive impact, noh? 😍”
“to be loved is to be known, to be seen.”
“Walang katapusang “why would I settle for less” eh sa kaibigan palang I am sooo loved and seen. Forever grateful! 🫀”
“acts of service aww”
“and you also notice that your friend is noticing you🥰”