Umatake na naman ang ka-sweetan ng singer-songwriter na si TJ Monterde sa kanyang asawang si KZ Tandingan nang aminin nitong pinalampas nito ang unang pagkakataon na makita ang Northern Lights sa Canada noong nakaraang taon dahil gusto niya ay kasama niya si KZ sa kanyang first time ma-experience iyon.
Hindi naman nagkamali ang “Palagi” singer dahil fast forward to one year later ay magkasama nilang na-witness ang natural phenomenon habang sila ay nag-tu-tour sa Canada.
“Corny na kung corny, pero sabi ko nun sa sarili ko; if I were to see this wonder for the first time — I wanted it to be with KZ. I wanted us to witness it together. Kung magkakaroon ng chance. Fast forward, Canada Tour, November 2024; just a week ago, experienced the beauty of Aurora — and yes, together. Sa tamang panahon, darating din ‘yon,” aniya.
Grabe na kayo ha?