Napakaraming pasabog ng unang concert ng singer-songwriter TJ Monterde na ginanap noong nakaraang lingo sa New Frontier Theater.
Paano ba naman, kahit naging abala sa kanyang sariling schedule ay humabol pa rin ang kanyang asawa na si KZ Tandigan upang magbigay ng suporta kay TJ. Kaya naman bago matapos ang concert ay nakaakyat pa ito sa stage.
Binalot ng kilig ang buong venue nang haranahin ni TJ si KZ ng kantang “Ikaw at Ako.”
Para naman sa mga hindi maka-move on sa K-dramang “Queen of Tears,” may surprise appearance din ang Korean artist na si 10 CM na inawit ang isa sa mga OST ng serye na “Tell Me It’s Not a Dream.”