Bumida ang fictional version ng vintage Tito Boy Abunda sa promo ng Netflix Philippines para sa bagong pelikulang “The Electric State” na pinagbibidahan nina Chris Pratt at Millie Bobby Brown.
Sa promo, si Tito Boy ang host ng show na “ShowBzzz” na parody version ng kanyang dating show na “The Buzz.” Siyempre, ginamit din ni Tito Boy ang kanyang mga signature catchphrases tulad ng eksklusibo at eksplosibo, at susunod!
Sa kanyang “Showbzz,” mapapansing ang mga 90s celebrity news ay may kahalo nang mga robot elements patungkol sa premise ng “The Electric State.”
Ang Netflix movie kasi ay umiikot sa isang alternate universe kung saan nagkaroon ng robot uprising noong dekada 90. Ang karakter ni Millie Bobby Brown, kasama ang karakter ni Chris Pratt ay magkasamang naghahanap sa kanyang nawawalang ama sa tulong ng isang cartoon-inspired bot.
Umani naman ng samu’t saring comments mula sa netizens ang hairstyle ni Tito Boy:
“Panahong may buhok pa noon si boy abunda”
“tito boy secret hair reveal na”
“Agulat ako hayop. Watching at 3am in the morning”
“ANG GALING! HAHAHAHAHHA!”