Tilian at sigawan kami! SB19 Stell, may inamin matapos ang viral performance sa concert ni David Foster

Aminado si SB19 Stell na kabado siya sa kanyang performance ng “All by Myself” kaya’t sobrang saya niya nang mairaos ito ng may standing ovation.

Usap-usapan ngayon sa madlang Pilipinas ang naging powerhouse na opening act ni SB19 Stell Ajero sa naganap na concert ni David Foster sa Pilipinas.

Ang hindi alam ng marami, maging ang “The Voice Generations” coach ay hindi makapaniwala sa kanyang naging karanasan sa entablado nang ibirit niya ng walang kahirap-hirap ang kantang “All By Myself” ni Eric Carmen na mas pinasikat pa ni Celine Dion.

Sa kanyang post, itsinika ni Stell na wala naman sa plano na “All By Myself” ang kakantahin niya para sa show pero nung time na para mag-rehearse ay sinabi na lang ni Foster na susubukan nilang i-perform ang kanta.

Siyempre, kahit napasubo ay ginalingan ni Stell sa rehearsal hanggang sa magtuloy-tuloy na sa actual performance na hinangaan ng mga dumalo sa concert. Sa sobrang impressed pa ng ilang concertgoers na first time lang maka-witness ng performance ng SB19 member, mayroon pang nagpa-planong imbitahin sila para magtanghal sa iba’t ibang lalawigan sa Pilipinas.

Ang humble namang si Stell, ibinahagi na nang matapos ang performance ay sigawan at talunan daw silang lahat sa backstage dahil nairaos ang napakahirap na kanta.

Maging si Foster ay sobrang impressed sa performance ni Stell at sinabing dinaig pa niya si Celine Dion dahil nakuha niya ang pinakamahirap na birit ni Celine ng isang try lamang.

“This song [is made known] by Celine [Dion], she claimed really a lot about this very high note, this impossible note to sing, and she hated me. In her book, she [wrote] two pages of how much she hated me that day at the studio. But we got the job done after a few tries. Tonight, my friend, Stell, you only had one try, “ ani Foster.

Sinabi rin ni Foster na dapat ay maging proud ang mga Pinoy kay Stell dahil kahit napakabata pa nito ay napakalaki ng kanyang talent at future sa industriya.