TikTokerist na bus driver at konduktor, viral dahil sa good vibes na dala nila sa netizens

Patok sa netizens ang tandem ng isang bus driver at konduktor dahil sa kanilang mega effort sa pagti-TikTok.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Habang mainit pa rin ang usapan sa social media tungkol sa isang insidente ng isang pasaherong may autism, may isang bus driver at konduktor ang nagpasaya sa netizens dahil sa kanilang feel-good TikTok content.

Hindi lang basta trabaho ang peg ng tambalang ito dahil mapa-loob man o labas ng bus, todo effort sila sa pagsayaw ng mga trending TikTok challenges.

Sa kanilang videos, kita ang kanilang energy at chemistry at pati na rin ang pagka-certified content creators ng dalawa.

Sa post ni netizen @jhongstv1, spotted ang duo na sumasayaw para sa kanilang content habang nasa bus terminal.

@jhongstv1 Supportive driver#foryourpag@dancing bus driver ♬ original sound – jhongstv1

Sa isa pang video, makikitang sumasayaw sila habang naghihintay naman ng pasahero.

@jhongstv1 #foryourpage ♬ original sound – jhongstv1


Swak naman sa netizens ang kanilang energy:

“galing mapapangiti ka nalang sa lambot ng katawan niyo sumayaw”

“ito ganyahin ng ibang driver at conductor good vibes lang, ung iba mainitin ang mga ulo”

“Dapat ganyan lang Pampa good vibes..hindi yung puro suntukan”

“wow ang saya nman ang sarap magwork kapag magkasundo kayo.”