TikToker, pinasilip kung ano ang itsura ng mga taong mahilig sa matcha—netizens aliw na aliw

Kinaaliwan sa TikTok ang isang video kung saan nilapatan ng kulay green na filter ang dalawang adik sa matcha ng kanilang kaibigan.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Nagkaroon ng matcha multiverse sa internet nang ipakita ng isang TikToker kung ano ang itsura ng mga taong mahilig sa matcha, at naging instant berde party ang buong eksena na kinaaliwan ng mga netizens.

Sa video ni Paula Mae Esplana (@paulamaeeee23), nilagyan niya ng filter ang kanyang mga kasama kaya nag mukhang walking matcha cups ang tropa.

Agad naman itong kinonek ng netizens sa mga pop culture characters tulad ni Shrek at ni Elphaba sa pelikulang “Wicked.”

“na para bang sya si Elphaba”

“mga anak ni elphaba”

May mga humirit din na mala-Sierra Madre ang atake ng video, bilang reference sa AI-generated memes na nagkalat online nitong mga nakaraang lingo dahil sa bagyo.

@paulamaeeee23 WHAHAHAHAHAHHA #mimanglahat #banateraera #highschooldays #fypシ #viralvideo ♬ оригинальный звук – orange