Mapapa-“knock on wood” ka na lang talaga kapag ang sayaw na pampagood vibes, muntik pang mauwi sa sakitan.
Sa viral TikTok video na ibinahagi ni Joshua Dumpit, ipinakita nila ng kanyang kaibigan ang attempt na sabayan ang dance trend sa kantang “Wood” ni Taylor Swift mula sa kanyang latest album na “The Life of a Showgirl.”
Game na game ang simula, pero hindi nagtagal ang momentum, dahil sa pangalawang step pa lang ng sayaw, biglang napahinto si Joshua matapos makaramdam ng pitik sa leeg sa isang move.
Sa halip na smooth head tilt, parang napaaga ang “knock” dahil agad siyang nakaramdam ng kirot sa leeg. Buti na lang at nauwi ang lahat sa tawanan.
“‘Yung trentahin ka na tapos sumubok ka pa rin ng sayaw na pang-bagets,” biro ni Joshua sa caption na mas lalong kinaaliwan ng netizens.
@keithdumpit MAY NAGCRACK TALAGA GUYS HAHAHAH KAKALOKA
Agad namang naging instant laughtrip ang video sa comment section:
“teka koyah yung ulo yung kumatok yata 😭😭😭 HAHAHAHAHAHAHHHA”
“Naunang pumtik ang ugat hahahahaha”
“ung lito nya sa knock saka sa head tilt eh hahah”
“dama kita sir😭🤣🤣🤣🤣”