TikTok loves Dennis Trillo’s Coldplay joke and super asawa energy in funny skit

Tampok ang pagka-certified green flag ni Dennis Trillo sa kanyang Coldplay-inspired skit sa TikTok.

Naghatid ng kilig at good vibes ang celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa isang skit sa TikTok, kung saan ginampanan ng aktor ang role ng isang hubby na laging ready sa bawat utos ng misis.

“Asawang hindi mahilig manood ng COLDPLAY concert,” ang caption ng aktor sa kanyang video, na isang subtle na hirit sa viral cheating scandal na nangyari sa isang concert ng banda sa U.S.

Sa unang eksena ng kanyang skit, maririnig si Jen na nagtatanong: “Papa, may ginagawa ka ba?” at ang sagot agad ni Dennis kahit na nasa kalagitnaan pa ng pag-aahit ng bigote: “Wala, may kailangan ka?”

Sa isa pang eksena, abala si Dennis sa paglilinis ng kanilang kotse, pero biglang maririnig si Jen na, “Papa ready ka na ba? Alis na tayo!”

Hindi na nag-isip si Dennis: “Oo ready na ako,” kahit dugyot pa ang kanyang itsura at di pa tapos ang gawaing bahay.

@dennistrilloph Asawang hindi mahilig manood ng COLDPLAY concert #fyp #foryoupage #goodvibesonly #happywifehappylife ♬ My Universe (Instrumental) – Coldplay & BTS

Bet na bet naman ng mga fans ang paandar ng mag-asawa:

“From green bones to green flag 💚”

“Nagustuhan ko si sir dennis ngayon ngkaasawa na sya at pamilya ❤️❤️keep it up po”

“May isa pa bang Dennis Trillo dyan 😅🤣😂”

“HAHHAA ansaya talaga ng asawa pag ganyan ka bilis yung response.”

“ang cute…paorder po ng isang dennis trillo”

“pero ganito dapat Hindi yong saglit lang naumaabot ng 1sang decades Bago kumilos”

“hahaha i need this kind of husband now haha”