Tiklop si Papa! Nico Bolzico, hindi kinakaya ang pagka independent ni Tili

Aminado ang presidente ng Bullied Husbands Club na si Nico Bolzico na minsan ay hindi niya kinakaya ang lakas ng loob ng kanyang panganay na si Tili. Magtatatag na kaya siya ng Bullied Fathers’ Club?
Found this article interesting? Help others discover it too!

Kapag girl dad, parang naka built-in na ang pagiging overprotective. Kaya kahit na mataba ang isip pagdating sa kalokohan, aminado si Nico Bolzico na minsan ay hindi niya kinakaya ang pagiging independent ng kanyang 5-taong-gulang na panganay na si Tili.

Paano, manang mana ito sa kanyang Mommy Solenn kaya’t napakalakas ng loob na gumawa ng iba’t ibang bagay mag isa. Katunayan, walang takot itong nagcha chop ng mga gulay sa kanilang kusina gamit ang pambatang kitchen knife.

Habang gina-guide ni Solenn si Tili, ang kanya namang ama ay hindi man lang makatingin dahil natatakot siyang baka masugatan ang kanyang anak.

“One day dads will learn not to be fearful when it comes to their girls, but for now, we loved them and care so much that fear of anything happening to them is what dominates our emotions… at least mine!” aniya.

Marami namang nag agree sa sentimiyento ni Nico.

“Nakakatuwa si Tili 😂 combi of Solenn and Nico Ang kulit”

“Hahahaha! I know the feeling.”

“Dad’s love is so adorable!!”