Tawang-tawa ang mga fans ng Hollywood star na si Anne Hathaway nang makita ang isang behind the scenes na eksena kung saan hindi magkamayaw ang “Devil Wears Prada” actress sa paghiga sa sofa dahil hindi niya kayang umupo dahil sa kanyang Versace gown.
Tawang-tawa din ang mga nakapalibot sa aktres na nagsuot ng isang pulang corseted red leather dress sa Versace Show noong Milan Fashion Week, na makikita sa video ng Hello Canada Magazine.
“I just want to respect the integrity of the corset,” ani Anne habang ang designer naman na si Donatela Versace ay hindi mapigilan ang pagtawa sa kalokohan ng aktres.
Ito talaga ang patunay na lahat ay gagawin para sa fashion.