Natumbok na naman ng content creator na si Esnyr ang kiliti ng mga viewers sa kanyang latest skit tungkol sa first time na pumunta sa bahay ng kaklaseng may strict na nanay.
Sa video, maraming naka-relate na mga kabataan na bumibista sa ibang bahay na nananantiya pa kung ano ang pwede at hindi pwedeng gawin.
Nariyang hindi pwedeng lantakan ang nakahain sa mesa, ang mga WiFi password na hindi pwedeng gamitin, at mga kaanak na hindi kilala.
Aprub without question naman ang mga netizen:
“Middle child bayan si ramona?”
“literal na ‘she notices even small things’”
“Yung nanay si Disney Mama ewan ko na lang kung gumalaw pa mga iyan hahaha”
“Bagay na bagay yung role nung ate. IMPAKTA IN REAL LIFE.”