THROWBACK: Scoring isn’t everything! Doug Kramer, may pangmalakasang basketball tip para sa anak na si Gavin

Proud dad si Doug Kramer sa unang basketball game ni Gavin.

Muling naantig ang mga fans ng Team Kramer sa isang madamdaming post ni Doug Kramer para sa kanyang anak na si Gavin na tila sumusunod sa kanyang yapak bilang basketball player.

Sa isang lumang post ni Doug tungkol sa unang official game ng kanyang anak, sinabi ni Doug na sobrang proud siya sa kanyang anak kahit na hindi ito nakapuntos buong laro.

Ani ng dating PBA player, nakita niya kay Gavin ang kanyang excitement at nerbyos sa kanyang unang game at masaya siya para sa kanyang anak. Binigyan din niya ng words of encouragement ang kanyang unico hijo pagdating sa usapang pag-score.

“There’s much more to basketball than just scoring. It’s all about being a sponge and learning at this point, while trying to have fun,” aniya.

Sinabi ni Doug na pinagdaanan din niya ang mga pinagdaanan ni Gavin dahil sa larong basketball ay tiyak na may makakalarong mas malalaki, mas matatangkad at mas malalakas na player sa court. Hindi naman ito nangangahulugan na talo na agad at dehado.

” It’s an advantage to be big, fast, and talented, but that won’t assure success. It’s about the effort, hard work, consistency and obsession to learn that will propel him above the competition. This is your journey. So enjoy every moment of the highs and lows of the game,” payo ni Doug sa kanyang anak.

“Work your way up slowly but surely. No one is gonna hand it to you on a silver plate. You have to go get it. You have to commit, prepare and equip yourself, because your competition is doing the same exact thing. You have to compete and want it more than everyone,” dagdag pa niya.

Ani Doug, sobrang excited siya sa mga susunod na chapter na haharapin ng kanyang anak sa larangan ng sports.